-if there's one mistake in your whole lifetime that you can tolerate..it is when you are good..even to those who are undeserved.-

Home » Post Item » what i love during rainy season

what i love during rainy season

July 11, 2011

tag-ulan na.been like 2 weeks of non-stop  raining here in the north.i dunno..it may be weird for others but for me..i just simply love rainy season..way far better than summer. got several reason why i love the season..aside from the fact that its a whole no-sweat day…i can wear all the jackets that i have in my closet which i only wear those stuffs during holiday season or whenever i get in baguio or in any travels.i just could remember when we were kids..naalala ko..kame ng mga kuya ko naliligo sa ulan kapalit ng palo from mama..wahaha. those are things na naalala ko nung bata pa kame.pero ngayon matanda nako..mas maraming reason for me to enjoy the rainy season..and i know u guys would agree with some of my reason.

1. sarap kumain ng tuyo, munggo, salted eggs, tinapa, daing

- ewan ko din e noh ano meron sa mga pagkain eto na tila ansarap kainin pagdating ng tag ulan.basta napapasarap pagkain ko ng mga to pag tag ulan..kahit whole day meal na ganyan panalo na

 

2. yosi at kape

-perfect combination ika nga nila..pero mas masarap gawin mga eto pagkagising mo sa umaga habang malakas ang hangin at pumapatak ang ulan habang nasa harap ng pc nakikipagchat or nag-iintternet habang nagyoyosi at nagkakape

 

3. mahiga till sawa

-sympre habang pagod ka na sa kaiinternet…mahihiga na ang kasunod nian..tulog lang ng tulog..cge tulog pa haha

 

4. movie marathon

-eto din ung perfect time na halungkatin ang mga nadownload na movies na ndi pa napapanood..magsawa sa kapapanood ng movies hanggang mapagod ang mata at matulog ulet at pagkagising kain ulet.

 5. walang pasok

-para to sa mga estudyante..pero pag sinuwerte at medyo may kalakasan na ang ulan..declare naman nang walang pasok sa trabaho..meaning ako ndi papasok..iwas traffic..tipid sa gas..tipid sa gastos..partida na!hahaha

 

6.  soundtrip

- emo kung emo na ang labanan.patugtugin ang mga makabagbag damdaming mga kanta ng dekada 80 at 90 

 

7. inuman

-malamig ang panahon.masarap uminom.pampainit.lalo na pag may videoke at nagkayayaan ang tropa..panalong panalo!

 

8. mag ayos ng kwarto, cabinet at kung ano ano pang pwedeng butingtingin 

- eto rin mga panahon na andaming naiisip gawin na ndi naman naiisip gawin pag ndi tag ulan.kesehadong magpalit ng bedsheet, maglinis ng kwarto, ng cabinet, magrepair ng kung ano ano,

 

9. manood ng mga korning pinoy tv shows

-ako aaminin ko ndi ako nanonood tlaga ng tv.mapa-local man or international channel.i dunno..i just dont enjoy spending a lot of time na nakaupo at nanonood lang ng kung anong palabas.pero pag tag-ulan natatagalan ko naman manood..well no choice lang nga cguro e no?

 

10. magdownload ng movies at mp3s

-sympre eto na rin ang panahon para makapagdownload ng mga gustong pelikula na ndi pa napapanood at ng mga trip mong music

 

11.  candle light

-pag malakas ang ulan..asahan mo nang magbro-brownout..kaya candle light nalang muna.isipin mo  nalang nasa fine dining kau habang kumakain ng pamilya mo.

 

12. tong-its, ps3, text

-eto mga pampalipas ng oras habang ikaw ay nagdurusa na walang kuryente

 

13.  roadtrip

- ewan ko ah..pero kakaiba din ang trip ko..pag umuulan gustong gusto ko na nagdra-drive ng paikot ikot lang sa lugar namen.parang adik lang pero ansarap magdrive habang umuulan tas nagpapatugtog ng malakas sa oto..panalo!

 

kau..ano mga gustong gusto niong gawin pag tag ulan

Posted by bratpaker at 4:31 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment